#maasahanoramismo
kapag si rodel ang gumawa ng desisyon, ito ay may integridad, katapatan at may kabuluhan.
Sino si Rodel Dalangin?
Si Rosauro “Rodel” Dalangin ay ipinanganak sa Paete, Laguna noong Oktubre 21, 1974.
Tubong Paete.
Ang kanyang ama ay si Miguel Dalangin na isang batikang mag-uukit.
Ang kanyang ina naman ay si Emilia Dalangin na isang huwarang ina ng tahanan.
Nagtapos sa kursong B.S. in Computer Science at Computer Information System. Sa murang edad ay nagturo ng kompyuter sa mga hayskul at kolehiyo sa Laguna at Maynila.
Naging programmer, project manager, account manager, systems analyst, system administrator, system engineer, business analyst, internet marketer, full stack web developer at search engine optimizer.
Gumawa ng mga libro at nag-aral tungkol sa pagkita ng pera sa internet, social media management/marketing, pagkakaroon ng bisita ang mga websites, at kung ano ano pa upang makatulong sa mga gustong makapagpalago ng negosyo at mga baguhan na gustong kumita ng pera.


Ano ang aking pinaglalaban
Tumaas ang kalidad ng buhay ng lahat
01.
Para sa may-ari ng kumpanya
Tulungang mapaunlad ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng internet marketing upang mas maraming tao ang magkaroon ng trabaho. Mas maunlad na negosyo, mas uunlad ang bayan.
02.
Para sa nagnanais magkatrabaho
Turuang magkaroon ng kaalaman sa internet upang magkatrabaho kahit nasa bahay lamang. Kahit tambay o tapos ng hayskul ay pwedeng magkaroon ng hanapbuhay sa internet. Mas maraming trabaho, maraming pamilya ang sasaya at walang magiging malnutrisyon. Hindi na rin kailangan umalis pa ng bansa. Ninanais ko ring magkaroon ng konsultasyon upang malaman kung saan nakalinya o pwedeng ilinya ang isang naghahanap ng trabaho o katatapos lang ng hayskul para mas matulungang magdesisyon kung anong kurso ang kukunin o anong pwedeng pag-aralan para sa mas ibayong pag-unlad ng kanilang karera.
03.
Para sa mga matatanda at may kapansanan
Matulungang magkaroon ng mga proyekto na makapagbibigay saya sa kanila at maging produktibo pagkatapos ng pandemya. Katulad ng sayawan, paglalahad ng kanilang mga kaalaman sa buhay at mga kagamitang pang medisinal at mga bitamina.
04.
Para sa mga may kaso ng malnutrisyon
Gumawa ng mga proyektong makapagbibigay ng regular na pagkain at bitamina sa mga batang may problema sa timbang at pagtuturo sa mga magulang kung paano maalagaan ng husto. Ginagawa na naminsa aming barangay, hangad ko na sa buong bayan dahil hindi naman gaganda ang pangangatawan o lagay ng bata kung ang feeding program ay isang araw lang ginagawa.
05.
Para sa kaligtasan ng pamayanan
Maging ligtas ang komunidad sa lahat ng oras.
Impact Stories
Jane’s Been A Migrant Worker Since She Was Just 12
A Brighter Future — For Cambodia’s Children
Partners



